Dami kong trabaho ngaun… April 30, 2008
Posted by dannn315 in buhay trabaho.add a comment
andami kong trabaho ngaung araw na ito…minsan naiinis ako kasi di ko maintindihan ang sinasabi ng amo ko mas lalo na pag may gusto nya akong iencode, hirap indindihin ng sulat nya…ginagawa ata ako nitong arabo kala nya siguro nakakaintindi ako ng arabic.hahahahah (mafi malum sadik). buti na lang natapos ko kaagad kaya ito ginagawa ko nanaman ang blogging ko. di ko alam kung paano gawing maganda itong blog ko. di ko pa kabisado kung paano icustomize tong site na ito…di bale konting kalikot lang madadale ko rin ito…anong oras na ba? ay! 2:40 pa lang pala ng hapon marami pa akong magagawa kung di ako tamarin. log off ko muna ym ko para wala maraming istorbo hehehehehe. iniisip ko ngaun kong paano ako kumita ng malaking pera dito sa saudi, ano kaya kong subukan kong magpart time? kaso istorbo naman sa pagiinternet ko. sayang naman kung di ko masulit ang dsl ko sa bahay…wag na lang. bagay kumikita naman ako sa sideline ko sa forwarder kaso nga lang medyo nakakatakot kasi hirap maningil…dito kaya pwedi kaya akong kumita ng pera dito sa blogging na ito? napanood ko kagabi sa tfc na marami ang kumikita dito pero pano? di naman maganda ang aking blog, sinu naman magkakainteres na mgsponsor o kaya magbigay ng donation sa akin? bahala na…trip ko lang naman ito eh…kanya kanyang trip. hahahahaha
mamaya na ulit ako mgsulat ng kung ano-ano pagdating ko sa bahay. ikwento ko kung ano nangyari sa daan habang akoy tulog sa service…bwahahahahaha
Bago lang April 30, 2008
Posted by dannn315 in Uncategorized.1 comment so far
bago lang akong gagawa ng blog…pasensiyahan nyo na kung hindi ko makuha ang ibang mga wording para sa blog na ito. panu b ako mgumpisa? ano b ang una kung ilalagay sa blog na ito? sandali pagisipan ko muna…teka di ako makapagisip kasi dami ko trabaho, utos ng utos ang amo ko…mamaya na al