dito nanaman ako… August 31, 2008
Posted by dannn315 in buhay saudi.2 comments
hayz…dito nanaman ako, wala nanamang magawa, palibhasa kasi bukas ay ramadan nanaman kaya pati ang mga kasama ko sa trabaho na arabo ay tinatamad na rin mgtrabaho kaya surf-surf na lang muna for the whole month. nabuksan ko nanaman itong blog ko dahil nabasa ko ang isang blog at ngkaroon ako ulit ng gana na ituloy itong kahibangan ko. di bale kahit walang nakakabasa o walang ngcocoment at least nasasabi ko kung ano ang nararamdaman ko. sa ganitong paraan ay nagagamit ko ang oras ko dito sa office na hindi masyadong boring.
iniisip ko kung anu kayang magandang gawin sa ramadan kasi 10:00 am ang pasok namin up to 4:00 pm. alam ko na, mapapanood ko na ang mga koleksyon kong mga pelikula, marami-rami na rin kasi un, siguro sa tantya ko umaabot na ng 400 movies un. dami na talaga at halos mapuno na ang 500GB kung external hardisk. hehehe. un lang kasi ginagawa ko sa bahay, ngdadownload lang ako ng movies pero tinatamad naman akong manood. pero dahil ramadan na, wala gaanong pagkakaabalahan s hauz kaya pagtiisan ko ng panoorin.
napagusapan na rin ang ramadan, para sa di nakakaalam, ito ung pagngingilin ng mga muslim ( tama ba?) bawal kumain, uminom, manigarilyo, etc…basta bawal lahat ng pweding ipasok sa bibig…hmmmm…(alam ko iniisip nio) kung ano man un, bawal din un…oo sex bawal. hahaha. bawal lang naman ang mga ito sa araw after ng first prayer hanggang 4th prayer. dito sa saudi mahigpit nilang ipinagbabawal ang kahit ano mang intake sa panahon ng ramadan…syempre bilang paggalang sa tradisyon ng muslim kailangan nating sumunod. ito raw ang kanilang paraan para marelax ang mga organ sa katawan, malinis ang mga chemical na naintake, malinis ang kaluluwa etc… un ang pagkakaalam ko. kung sabagay my point din sila kasi nga naman buong taon na lang na lamon ang ginagawa ng tao kaya dapat may panahon din na pahingahin natin ang ating ktawan.
saan na ba ako, tinawak kasi ako ni bosing…sige mamaya na lang ulit pag tinupak nanaman ako…