bored na ako… September 28, 2008
Posted by dannn315 in buhay saudi.2 comments
ang hirap hintayin ang oras…pitong araw pa ang hintayin ko bago trabaho nanaman. eid kasi, bakasyon pag ganitong panahon dito sa mga muslim countries, ito ay tuwing patapos na ang ramadan.
naboboring nanaman ako dito sa bahay, buti na lang meron akong dsl. ito na lang lagi ko pinagtritripan. di na rin ako ngdodownload ng movies kasi nadownload ko na yata lahat ng pelikula. wala na akong maisip na idownload, lahat na ng nakikita ko sa limewire meron na ako. haizzzzz…ano kaya maganda gawin. lalo yata ako tataba nito kasi kain tulog lang ginagawa ko. tulog ako ng alas tres ng madaling araw pero nagigising naman ako 11 na ng umaga. ganun kaboring buhay ko dito sa saudi.
kahapon pala, pumunta kami ng tropa sa olaya street, dito rin sa riyadh, namili ako ng mga games para sa pc ko para may magawa habang bakasyon kaya yon nanaman ang bago ko pinagtritripan. masakit na mata ko sa kalalaro, naboboring nanaman ako. naisip ko itong blog ko matagal ko na rin kasing di naupdate, kaya ito kung ano-ano nanaman ang pinagsusulat ko. pasencia na kayo, boring lang talaga ako. wala na ako magandang maisip na pagkaabalahan. niyayaya ako ng kasama ko sa bahay, labas daw kami para makita naman namin ang itsura sa labas, kaso ang iniisip ko pag lumabas ako cgurado gagastos ako, wala rin, gastos nanaman kaya manahimik na lang ako dito sa loob.
masakit na kamay ko…sound trip na lang muna ako habang ng mumuni-muni.
ano kaya? September 20, 2008
Posted by dannn315 in buhay trabaho.1 comment so far
malapit na ako mabaliw dito sa trabaho ko. araw-araw na lang ba ganito? pagpasok ko ng umaga ito na ang nadadatnan ko. di ko alam kung anong magandang gawin. gusto ko ng umuwi at ng maituloy ko na ang downloads ko. kaso dalawang oras pa ang bubunuin ko bago uwian. napudpud na ata itong upuan ko, ngiisip, ngmumuni-muni. banas na talaga ako. lahat na ata ng website nabuksan ko na. pagtyagaan ko na lang, kesa naman tambakan ako ng trabaho. hehehe… ramadan kasi kaya tamad ang mga muslim gumalaw.
dati nung sa pinas pa ako, minsan nangarap ako na, ano kaya kung makahanap ako ng trabaho na di masyadong loaded tapos mginternet lang gagawin buong araw…ito na nga mukhang nagkatotoo na, nakakpagod din pala na walang gagawin…di bale malapit nanaman ang sahod. yahooooooo
ramadan na! September 1, 2008
Posted by dannn315 in buhay saudi, buhay trabaho.add a comment
ramadan nanaman, dami nanamang kailangang paghandaan. kahit di ako muslim kailangan nating sumunod sa kanilang tradisyon, lalo na dito sa saudi. mas maganda na ung nakakasiguro kesa makipagsapalaran. serious offense kasi kong malabag ang batas ng mga muslim lalo na sa buwan ng ramadan.
kahapon namili na kami ng kasama ko sa bahay ng konteng staks na pagkain para may makotkot kami sa umaga bago pumasok. bumili kami ng pansit kanton, itlog, delata, etc. ito lang kasi ang madaling iluto. Sa hapon naman ay bibili na lang kami ng lutong ulam sa pinoy restaurant, marami rin kasing restaurant malapit dito sa tinitirhan ko tapos sa bahay na lang namin kakainin, mahirap na baka masampal pa kami ng muttawa. sabagay ang pasok ko lang naman sa panahon ng ramadan ay 6 hours, kaya ko to na walang kainan at inom, saka na lang ako lalamon pagdating ko sa bahay.
hirap din pala papasok ng 10 am kasi tirik na ang araw, grabe na ang init sa labas lalo na dito sa saudi, summer pa kasi, itong september pa lang papasok ang taglamig. sanay kasi ako papasok ng 7am kaya medyo naninibago pa ako. advantage naman, eh kahit late ka na matulog ok lang kasi pwedi ka gumising ng 8am, tulad kanina nagising na ako 7:30 am, naalimpungatan nga ako kala ko late na ako. hehehehe..ang problema nito pag tapos nanaman ang ramadan, balik sa normal na ulit, panibagong adjustment nanaman ang gagawin.
pagod na ako mgtype, check ko muna fs ko. hahaha