jump to navigation

Nahuli ako ng Muttawa December 16, 2008

Posted by dannn315 in buhay saudi.
1 comment so far

Araw ng Lunes, 15 December 2008. Ito ang unang beses na akoy nahuli ng Muttawa (religious police) dito sa Saudi. Magkahalong kaba at takot ang aking naramdaman ng sitahin ako kasama ng iba pang pinoy sa isang cargo forwarder dito sa Al-batha. Sabagay kasalanan rin namin pagkat oras ng salah ay di kami lumabas sa opis ng cargo, isa ito sa mahigpit na pinagbabawal ng saudi law na dapat rumispito sa kanilang tradisyon, wala dapat tao maiwan sa loob ng opisina sa oras ng kanilang dasal. Eksakto pagikot ng Muttawa, natanaw kami sa loob habang ako naman ay nghihintay sa isang tropa. Di na kami makapalag, kinuha ang aming iqama(residence cert). Kinuha rin ang ibang mga gamit na pwedi nilang ebidensya kung meron mang ginagawang labag sa kanilang batas. Mahirap mawalan ng iqama dito saudi kaya wala kaming choice kundi sundan sila para kunin ng personal at magkapaliwanagan. Pumunta kami sa kanilang bulwagan, hinarap kami ng kabayang muslim, kesyo ganito ganun. umabot yata kami ng halos tatlong oras sa kanilang pagpapaliwanag, kami naman oo na lang ng oo para di na hahaba ang usapan. pag nagsalita ka pa kasi dito, wala kang kalaban laban dahil kahit anung sabihin nila ay tama. pasado alas dyes na nang kami pakawalan, sa kasamaang palad dinala pa sa ibang opisina ang aming iqama kaya kailangan namin ulit puntahan. nadatnan namin sa kanilang maktab (office) ang ilang kabayan na hinuli din ng muttawa. ayon sa kwento ng isang kabayan, sinita daw sila ng muttawa habang naglalakad kasama ang kanyang asawa, hinahanapan daw sila ng merriage contract. Kailangan kasi dito ang nasabing papel pag kasama mo ay babae, ngpapatunay na legal mo siyang asawa. Mahigpit na pinagbabawal ang pakikisalamuha ng mgkaibang kasarian. Sa kasamaang palad, dala lang ng magasawa ang kanilang xerox copy na merriage contract kaya sa huli dinala rin sila sa maktab.

Inabot din yata kami ng mahigit isang oras sa maktab bago binigay ang aming iqama, siguro nung makita na malinis ang aming record ay pinakawalan kami ng isa kung kasama. sa kasamaang palad, ang tatlo naming kasama na nahuli ay hanggang sa ngaun ay nakakulong pa, dati na kasi silang may record at nakitaan sila ng malaking halaga ng pera, ung isa naman ang expire na rin ang kanyang iqama.

Pasalamat na rin ako at hindi natapos ang gabi na nakalaya din kami. Isa rin itong aral sa akin na kailangan sumunod sa kanilang batas. Sa susunod magiingat na ako, kasi mahirap ang makulong lalo na dito sa ibang bansa….

ang babaw namin… December 15, 2008

Posted by dannn315 in buhay saudi.
add a comment

di ko alam kung matawa ako o maawa ako sa kapwa ko ofw na napadpad dito sa kaharian ng saudi arabia. dala marahil ng higpit ng batas dito at hirap ng buhay sa pinas kaya tinitiis mamasukan sa bansang ito na daig pa namin ang isang preso dahil sa higpit ng batas.

araw ng biyernes, ngkayayaan ang tropa na mamasyal dahil ito lang ang panahon ng pahinga at araw rin ng holiday (Hajj). pumunta kami sa Ha-er (kamsa-kamsa daw *lima lima sa tagalog). ito ay isang lugar dito sa riyadh na palaging pasyalan ng mga pinoy na gustong makawala sa syudad ng riyadh. Sa lugar na ito pweding tangalin ang abaya (damit na itim ng mga babae) na parang sa pinas ka lang na pwedi mong suotin ang iyong nais di tulad sa kabayanan ng riyadh na makita lang na walang takip ang buhok ng mga babae ay sermon na ang abutin sa mga Muttawa(religious police) Dito makikita ang maraming kabayan na ngpipicnic, kanya-kanyang ihaw na malapit sa may ilog na akala mo ay ilog pasig dahil sa baho ng tubig na nangagaling sa mga planta. kanya-kanya ring dala ng sound system na akala mo ang mga pinoy ay ngwawala, kung sabagay di mo rin masisi ang pinoy kasi nga sa dami ng bawal dito sa tigang na lupa kaya dun na lang nila binubuhos ang kanilang damdamin.

kung iisipin, napasimple lang ng lugar pero dinadayo ito ng mga pinoy. masasabing ang babaw naming mga pinoy pero whocares? dito namin nararamdaman na nasa pinas kami na pweding gawin ang gustong gawin.2008-12-12_12-44-52_picture749dsc00122dsc00110

my diet plan December 15, 2008

Posted by dannn315 in buhay saudi.
1 comment so far

paano b magdiet kung ganito lagi ang pagkain. habang tumatagal lalong tumataba, lalong bumibigat. minsan parang ayaw ko ng tingnan ang mga pagkain pero bkit tuwing oras ng kainan di ko na mapigilan ang kumain. nakakainganyo kasi sa dami ng pagkain, kunin ang gusto mo, kainin mo ang gusto mo, ganyan kaluwag ang pagkain dito sa kompanya na pinapasukan ko…lipat n lang kaya  ako.? hehe1_961166629l

Design a site like this with WordPress.com
Get started