balik o hindi? February 24, 2009
Posted by dannn315 in Uncategorized.1 comment so far
naguguluhan ako……..babalik pa ba ako dito sa saudi o hindi na?
maraming mga bagay na kailangan timbangin, kailangang pagaralan mabuti. Hanggat maari ayaw ko nang bumalik sa saudi, pero paano? Saan ako kukuha ng panggastos sa araw araw, tuition ng aking mga pinagaaral…di ko kikitain sa pinas ang kinikita ko dito, baka uugod ugod na ako sa pinas di pa ako makapundar ng kung ano-ano samantalang dito ilang araw lang mayaman na kaagad.jejeje
sa kabilang banda, pag bumalik ako dito, balik nanaman ako sa dating ikot ng araw, bahay-trabaho-bahay, wala man lang bahay-trabaho-beerhouse-bahay. isang taon nanaman akong magmomokmok sa kwarto, papanoorin ko ang aking computer habang ngdodownload. walang ibang kasama kondi mga barako…tang-inang buhay to…
bahala na si batman…
ilang araw na lang February 22, 2009
Posted by dannn315 in buhay trabaho.add a comment
ilang araw na lang uuwi nanaman ako ng pinas, makita ko nanaman ang bayang sinilangan. mahigit isang taon din akong nawala at nakipagsapalaran dito sa saudi. ano na kaya ang itsura ng pinas? musta na kaya mga tao dun? cguro malaki na ang pinagbago? minsan naiisip ko bakit ako pinanganak na mahirap, di sana ako nandito para lang manilbihan sa ibang lahi, di sana ako nawalay sa aking pamilya na matagal na panahon, nakakatulog sana ako ng maayos pag gabi na walang iniisip, panatag sana ang aking kalooban. Kapalaran ko na yata ito. di bale, ilang araw na lang…….