jump to navigation

ang hirap pala March 15, 2009

Posted by dannn315 in Uncategorized.
add a comment

Tangnang buhay to oh..nangyayari na ang ayaw kong mangyari. ang hirap kasi di ako nakikinig sa mga nakakatanda kaya ito ako ngayon, nahihirapan na sa mga pangyayari. Gusto ko nang sumigaw, gusto ko ng ihampas ang ulo ko sa pader hanggang lalabas ang aking utak at kakalat sa sahig. Gusto ko nang suntukin ng suntukin ang pader hannggang madurog ang aking kamay at lalabas ang mga boto sa aking kamay. Bakit kasi kailangang nasa huli lagi ang pagsisisi, di ba natin pweding baguhin na kailangan munang mgsisi bago ang mga pangit na pangyayari. Tangna!

Sa una, ang saya-saya, kala mo kung wala ng katapusan ang kaligayahan, ang sarap tumawa, napakasarap ng pakiramdam. Makita mo lang para ka nang wala nang hahanapin pa, gagawin mo ang lahat makita mo lang, makasama mo lang. Ang sarap nga ng pakiramdam, para akong dinuduyan. Kaya mong kalimutan ang lahat, kaya mong itapon ang lahat wag lang cia, kaya mong kalabanin ang lahat makuha mo lang cia, kaya mong maging bulag basta alam mong nanjan siya. Ang akala moy wala ka ng kailangan pang iba.

Ngunit hindi  pala, mali pala ako. Ngaun nakakakita na ako, dilat na ang aking mata. Kaya ko ng timbangin kung  ang tama sa mali. Nakikita ko na at napaghihiwalay ang kulay pula sa kulay puti. Alam ko na ngaun ang tunay na maganda at pangit. Ngunit, datapwat, subalit, nandito na. Wala na akong magagawa, ngkasubuan na.  Di na ako pweding aatras. Kailangan ko ng labanan ito dahil nangyari na. Kailangan ko ng tanggapin na ito na talaga ang katotohanan. Kailangan ko ng panindigan, laban kung laban. Magsisi man ako hanggang sa dulo ng aking kalingkingan, ito na talaga ang katotohanan na kailangang tanggapin. Tangna, ang hirap!

Design a site like this with WordPress.com
Get started