Nakabalik ako ulit! November 23, 2011
Posted by dannn315 in Uncategorized.add a comment
Langya!!! ayos ang bagong bungad, mura kaagad, hehehe..
Wala si amo, wala ako magawa sa opisina, halos lahat yata ng paborito kong website nagalugad ko na simula jarir bookstore, expatriate.com, pinoytambaygroup, workabroad, philstar, arabnews, yahoo, allyoulike.com..etc…pero naboboryong pa rin ako dito sa opisina. Nagiisip ako kung ano maganda gawin. Pumunta ako Google, type ko ang buhaysaudi sa search…at lumabas ang matagal ko nang blog na walang kakwenta-kwenta.
Sinubukan kong pasukin ulit gamit ang aking mahiwagang email adress. Himala at napasok ko pa rin at may nagiisang pending na comments…kawawang blog! hehe
