jump to navigation

Nakabalik ako ulit! November 23, 2011

Posted by dannn315 in Uncategorized.
add a comment

Langya!!! ayos ang bagong bungad, mura kaagad, hehehe..

Wala si amo, wala ako magawa sa opisina, halos lahat yata ng paborito kong website nagalugad ko na simula jarir bookstore, expatriate.com, pinoytambaygroup, workabroad, philstar, arabnews, yahoo, allyoulike.com..etc…pero naboboryong pa rin ako dito sa opisina. Nagiisip ako kung ano maganda gawin. Pumunta ako Google, type ko ang buhaysaudi sa search…at lumabas ang matagal ko nang blog na walang kakwenta-kwenta.

Sinubukan kong pasukin ulit gamit ang aking mahiwagang email adress. Himala at napasok ko pa rin at may nagiisang pending na comments…kawawang blog! hehe

Gusto mo ba kumita ng pera sa internet? March 1, 2010

Posted by dannn315 in Uncategorized.
2 comments

Noong una, di ko pinapansin ito kasi ang akala ko di totoo, pero marami akong nabasa sa internet na lumalaki na ang kanilang kinikita sa simpleng pagpindot lang sa internet habang nagbrobrowse ka sa ibang site. kaya ito at unti-unti na ring lumalaki ang aking kinikita. bago pa lang ako kaya di pa ganun kalaki, pero araw-araw nadadagdagan sa simpling pag-click lang ng ads.

kung gusto mo ring kumita click lang ang banner sa baba para magregester.



sa susunod ko na i-post kung magkano na na ang naicash-out ko.

@#$%&*#$% June 23, 2009

Posted by dannn315 in Uncategorized.
add a comment

oras ngaun 11:45 am saudi time, 23 June 2009 (martes)

ilang minuto na lang kakain na ako ng lunch. ano nanaman kaya ang ulam sa canteen, as usual indian foods nanaman cguro kasi tuwing martes un ang ulam, karamihan merong halong curry na medyo maanghang. pucha. nakakasawa. sakit pa sa pwet. hahahaha.

teka tawag ako ni amo….

ito na ako ulit…

teka kati ng ulo ko. hahahaha

hirap pala pag wala talaga magawa sa office. may internet ka nga, puro naman block halos lahat ng site. friends,  myspace, facebook, ebuddy block na rin. buti na lang sa bahay di nila pwedi iblock kasi mero ako panguntra saka ako mismo ang administrator ng sarili kung network. nakakapagdownload ako ng gusto ko. wala cla pakialam. hehe.

oops 11:50 na. 5 mins na lang bababa na ako. daan muna ako sa cr, mukhang sasabog na ang pantog ko para marami ang maikarga.

nawawalan na ng saysay ang sinusulat ko, hirap kasi mgsulat pag wala maisulat lalo na pag medyo makati ang lalamunan tapos para akong sisiponin. di kaya ako nahawaan ng A1H1 virus. uminom lang ako kanina ng malamig na tubig sa bahay, sumama na ang pakiramdam ko. bwesit.

makakain na nga. tangna! syet!

ang hirap pala March 15, 2009

Posted by dannn315 in Uncategorized.
add a comment

Tangnang buhay to oh..nangyayari na ang ayaw kong mangyari. ang hirap kasi di ako nakikinig sa mga nakakatanda kaya ito ako ngayon, nahihirapan na sa mga pangyayari. Gusto ko nang sumigaw, gusto ko ng ihampas ang ulo ko sa pader hanggang lalabas ang aking utak at kakalat sa sahig. Gusto ko nang suntukin ng suntukin ang pader hannggang madurog ang aking kamay at lalabas ang mga boto sa aking kamay. Bakit kasi kailangang nasa huli lagi ang pagsisisi, di ba natin pweding baguhin na kailangan munang mgsisi bago ang mga pangit na pangyayari. Tangna!

Sa una, ang saya-saya, kala mo kung wala ng katapusan ang kaligayahan, ang sarap tumawa, napakasarap ng pakiramdam. Makita mo lang para ka nang wala nang hahanapin pa, gagawin mo ang lahat makita mo lang, makasama mo lang. Ang sarap nga ng pakiramdam, para akong dinuduyan. Kaya mong kalimutan ang lahat, kaya mong itapon ang lahat wag lang cia, kaya mong kalabanin ang lahat makuha mo lang cia, kaya mong maging bulag basta alam mong nanjan siya. Ang akala moy wala ka ng kailangan pang iba.

Ngunit hindi  pala, mali pala ako. Ngaun nakakakita na ako, dilat na ang aking mata. Kaya ko ng timbangin kung  ang tama sa mali. Nakikita ko na at napaghihiwalay ang kulay pula sa kulay puti. Alam ko na ngaun ang tunay na maganda at pangit. Ngunit, datapwat, subalit, nandito na. Wala na akong magagawa, ngkasubuan na.  Di na ako pweding aatras. Kailangan ko ng labanan ito dahil nangyari na. Kailangan ko ng tanggapin na ito na talaga ang katotohanan. Kailangan ko ng panindigan, laban kung laban. Magsisi man ako hanggang sa dulo ng aking kalingkingan, ito na talaga ang katotohanan na kailangang tanggapin. Tangna, ang hirap!

balik o hindi? February 24, 2009

Posted by dannn315 in Uncategorized.
1 comment so far

naguguluhan ako……..babalik pa ba ako dito sa saudi o hindi na?

maraming mga bagay na kailangan timbangin, kailangang pagaralan mabuti. Hanggat maari ayaw ko nang bumalik sa saudi, pero paano? Saan ako kukuha ng panggastos sa araw araw, tuition ng aking mga pinagaaral…di ko kikitain sa pinas ang kinikita ko dito, baka uugod ugod na ako sa pinas di pa ako makapundar ng kung ano-ano samantalang dito ilang araw lang mayaman na kaagad.jejeje

sa kabilang banda, pag bumalik ako dito, balik nanaman ako sa dating ikot ng araw, bahay-trabaho-bahay, wala man lang bahay-trabaho-beerhouse-bahay. isang taon nanaman akong magmomokmok sa kwarto, papanoorin ko ang aking computer habang ngdodownload. walang ibang kasama kondi mga barako…tang-inang buhay to…

bahala na si batman…

Bago lang April 30, 2008

Posted by dannn315 in Uncategorized.
1 comment so far

bago lang akong gagawa ng blog…pasensiyahan nyo na kung hindi ko makuha ang ibang mga wording para sa blog na ito. panu b ako mgumpisa? ano b ang una kung ilalagay sa blog na ito? sandali pagisipan ko muna…teka di ako makapagisip kasi dami ko trabaho, utos ng utos ang amo ko…mamaya na al

Design a site like this with WordPress.com
Get started